Archive for February, 2008

Pagpapaalam sa matamis na panaginip

Monday, February 4th, 2008

Broken20heart1 Hindi pa rin ako makapaniwalang wala ka na.

Nabuhay ako sa isang panaginip na dala ng matatamis mong salita. Kahapon pinilit mo akong magising. Nagpaalam na tayo sa isa’t isa pero hindi ko nagawang sabihin sa’yo lahat ng nararamdaman ko dahil naubos na yung lakas ko sa pagtakbo palayo sa iyo. Hinabol mo ko pero ni hindi kita nagawang tingnan habang tinatanong mo kung ok lang ako. Parang binabangungot lang ako ngayon. Hindi ako naniniwalang wala ka na. Yung pitong hakbang na ginawa ko palapit sa iyo kahapon, yun na ata yung pinakamahirap na ginawa ko sa buong buhay ko. Yung paglapit sa taong alam kong ssaktan ako noong oras na iyon. Alam ko ring yun na yung huling beses na makakasama at makakausap kita.  Isang linya pa lang yung nasasabi mo, iniwan na kita. Hindi ko kinayang marinig yung mga gusto mong sabihin. Sabi mo pagkatapos, nagkamali ako ng pagkakaintindi sa sinabi mo. Sabi mo I meant something to you. Naging kalawang yung mga takot mo…kalawang na naging dahilan para magpaalam ka sa akin.

Ang ganda naman ng timing mo. Valentines day na next week. Pag bumabalik sa isip ko yung mga plano nating gawin sa holy week parang gusto kong bumili ng ‘time machine’ para magawa kong bumalik sa kahapon. Dun sa mga araw na nasa tabi pa kita. Sabi ng qoute na sinend ni Alice sa akin, hindi ko dapat pagsisihan yung mga bagay na nagpasaya sa akin. Gusto kong malaman mong hindi ako nagsisisi na dumating ka sa buhay ko. Hindi rin ako nagsisi sa mga nagawa kong sabihin sa iyo at sa pagtatangka kong isalba pa yung sitwasyon natin. Pero siguro hanggang doon na lang talaga lahat. Tuwing makakakita ako ng comics, manonood ng anime at dadaan sa national bookstore, maaalala kita. Tuwing pupunta ako sa Lagro, sa SM at sa Robinson, makikita pa rin siguro kita kahit sa isip ko lang. Pero siguro matatagalan pa bago ko magawang magsimba ulit sa Lagro. Kasi paniguradong babalik yung sakit sa akin at matitriple pa pag ginawa ko yun. 

Hindi ako nagsisising minahal kita. Ang pinagsisihan ko lang, hindi kita pinakinggan bago ako lumayo. Pinagsisihan ko na naging duwag ako. So I guess this is it..i’ll say goodbye to my Morpheus now…